Our Lady Of Medjugorje

Messages From 2010 In Tagalog

Pahayag sa Ika-25 ng Enero 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Nawa ay maging panahon ito ng pansariling panalangin para sa inyo, upang ang mga binhi ng paniniwala ay umusong sa inyong mga puso; at nawa'y umusbong ito upang maging masayang saksi sa iba. Ako ay sumasainyo at nais ko na magbigay-buhay sa inyong lahat: sumulong kayo at magsaya sa Diyos na Siyang lumikha sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Pebrero 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito ng biyaya, kung kailan naggagayak ang kalikasan na maglabas ng magagandang kulay ng taon, tinatawagan ko kayo, munti king mga anak, na buksan ang nyong mga puso sa Diyos na Siyang lumikha upang baguhin Niya kayo at ihugis sa Kanyang imahen, upang ang lahat ng mabuti na natutulog sa inyong mga puso ay magising sa paninibagong-buhay at sa pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Marso, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Ngayon din ay hinahangad ko na tawagan kayong lahat na maging matibay sa panalangin at sa mga panahong sinasalakay kayo ng mga pagsusubok. Mabuhay kayo ng masaya at ng may mababang-loob at maging saksi sa lahat sa inyong mga bokasyong maka-Kristyano. Ako ay sumasainyo at idinudulog ko kayo sa harap ng aking Anak na si Hesus, at siya ang inyong magiging lakas at alalay. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 03/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Abril, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Sa panahong ito na sa mahalagang pamamaraan ay hinahanap ninyo ang aking pamamagitan, tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, na manalangin, upang sa inyong mga panalangin ay matulungan ko kayo na magkaroon ng mga puso na bukas sa aking mga pahayag. Manalangin kayo para sa aking mga hangarin. Ako ay palaging sumasainyo at namamagitan sa harap ng aking Anak para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 04/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Mayo, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Binigyan kayo ng Diyos ng biyaya na mabuhay at ipagtanggol ang lahat ng mabuti sa paligid ninyo, at magbigay-diwa sa iba upang lalo silang maging mabuti at banal; nguni't si Satanas man ay hindi natutulog at sa pamamagitan ng mga makagabong bagay ay inaaliw kayo at inaakay sa mga pamamaraan niya. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa pagmamahal ng aking Dalisay na Puso, mahalin ninyo ang Diyos ng higit sa lahat at mabuhay sa loob ng Kanyang mga utos. Sa ganitong pamamaraan, magkakaroon ng kahulugan ang inyong buhay at mananalig ang kapayapaan sa mundong ito. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2010

Pahayag sa Ika-2 Hunyo, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na manalangin at mag-ayuno upang malinaw ang daan na kung saan papasok sa puso ninyo ang aking Anak. Tanggapin ninyo ako bilang ina at tagapaghatid-balita ng pag-ibig ng Diyos at ng Kanyang hangarin para sa inyong kaligtasan. Palayain ninyo ang inyong mga sarili ng lahat sa inyong mga nakaraan na nakabibigat sa inyo, na nagbibigay sa inyo ng bagay na ikasisisi, na siyang umakay sa inyo noon sa kamalian at dilim. Tanggapin ninyo ang liwanag. Isilang kayong muli sa katarungan ng aking Anak. Salamat." 06/02/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Hunyo, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Nang may kasiyahan, tinatawagan ko kayong lahat na buhayin ang aking mga pahayag ng may kagalakan; sa ganito lamang pamamaraan, munti long mga anak, kayo mapapalapit sa aking Anak. Hangad ko na akayin kayong lahat sa Kanya lamang, at sa Kanya ay matatagpuan ninyo ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa inyong mga puso. Kayo ay binabasbasan ko at minamahal ng walang hangganang pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 06/25/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Hulyo, 2010 "Mahal Kong Mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na sumunod sa akin ng may kagalakan. Hangad ko na akayin kayo sa aking Anak, ang inyong Tagapagligtas. Hindi ninyo namamalayan na kung wala Siya, wala kayong kagalakan at katahimikan, at wala rin kayong kinabukasan o buhay na walang-hanggan. Samakatuwid, munti kong mga anak, pagbutihin ninyo ang gamit sa panahon na puno ng masayang pananalangin at pagsuko. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 07/25/2010

Pahayag sa Ika-2 ng Agosto 2010 "Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, upang simulang itaguyod ang Kaharian ng Kalangitan sa inyong mga puso; upang iwaksi ang anumang makasarili at - sa pamamagitan ng halimbawa ng aking Anak - inyong maisaisip kung ano ang maka-Diyos. Ano ba ang ibig Niya sa inyo? Huwag hayaang buksan ni Satanas ang landas ng makamundong kaligayahan, ang landas na liban ang aking Anak. Mga Anak, ito ay hindi wasto at panandalian lamang. Ang aking Anak ang siyang tunay. Iniaalay ko sa inyo ang walang hanggang kagalakan at kapayapaan kaisa ng aking Anak at ng Panginoon. Iniaalay ko ang kaharian ng Diyos." 08/02/2010

Pahayag sa Ika-25 ng Agosto 2010 "Mahal kong mga Anak! Ngayon, puno ng matinding kagalakan, ibig kong tawagan kayong muli: manalangin, manalangin, manalangin. Nawa'y ang panahong ito ay maging panahon ng sariling pagdarasal. Sa umaga, humanap kayo ng pook na kung saan kayo ay mataimtim na manalangin. Mahal ko kayo at kayo ay aking binabasbasan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan." 08/2010

Pahayag sa ika-2 ng Septiyembre 2010 "Mahal kong mga anak. Ako ay nasa tabi niyo dahil nais kong tulungan kayo upang malampasan ang mga pagsubok, na nagsisilbing balakid upang kayo ay maging dalisay. Mga anak, isa na dito ang hindi pagpapatawad at ang di paghingi ng kapatawaran. Ang bawat kasalanan ay sumasaling sa Pagmamahal at naglalayo sa inyo dito - at ang Pag-ibig ay ang aking Anak. Samakatuwid, mga anak, kung mamarapatin ninyo ay sabay nating tahakin ang kapayapaang hatid ng Pag-ibig ng Diyos, dapat ninyong matutunang magpatawad at humingi ng kapatawaran. Salamat." 09/02/2010

Pahayag sa ika-25 ng Septiyembre 2010 "Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo at binabasabasan ko kayo ng maka-Inang biyaya ng Kapayapaan. Hinihimok ko kayong mabuhay na puno ng pananalig sapagkat kayo ay marupok pa at di mapagkumbaba. Hinihimok ko kayo, munting mga anak, bawasan ang pagsasalita bagkos ay pagsumikapang maigi na magbago upang ang inyong saksi ay magbunga. Nawa'y ang inyong buhay ay maging walang humpay na panalangin. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan." 09/2010

Pahayag sa ika-02 ng Oktubre 2010 "Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mapagkumbabang debosyon, mga anak. Ang inyong puso ay karapatdapat sa tama. Nawa'y ang inyong mga paghihirap ang magsilbing paraan upang malabanan ang mga kamalian ng kasalukuyan panahon. Nawa'y ang pagtitiyaga at walang hanggang pag-ibig -- pag-ibig na marunong maghintay -- ang siyang magbubunsod sa inyo upang malaman ang mga babala ng Panginoon - upang ang inyong buhay, sa pamamagitan ng mapagkumbabang pagmamahal, ay maging salamin sa mga taong naghahanap ng katotohanan sa karimlan ng kasinungalingan. Mga anak ko, aking mga alagad, tulungan ninyo akong buksan ang landas tungo sa aking Anak. Muli, tinatawagan ko kayong ipagdasal ang inyong mga pari. Kasama nila, ako ay magwawagi. Salamat" 10/02/2010

Pahayag sa ika-02 ng Oktubre 2010 "Mahal kong mga anak! Nawa'y ang panahong ito'y maging oras ng panalangin sa inyo. Hinahangad ng aking panawagan, mga anak ko, na kayo ay magpasyang sundan ang landasin ng pagbabalik-loob. Samakatuwid, manalangin at hingin ang pamamagitan ng lahat ng mga banal. Nawa'y ang mga santo ay maging halimbawa, dahilan at kaligayahan tungo sa walang hanggang buhay. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan. 10/2010

Pahayag sa ika-02 ng Nobyembre 2010 "Mahal kong mga anak. Dala ang maka-inang katiyagaan at pag-ibig, inihahandog ko sa inyo ang ilaw ng buhay upang puksain ang karimlang hatid ng kamatayan. Huwag akong talikdan aking mga anak! Tumigil at suriin ang inyong mga sarili at alamin kung gaano kayo nagkasala. Malasin ang inyong mga kasalanan at humingi ng kapatawaran. Aking mga anak, ayaw ninyong tanggapin na kayo ay marupok at malilit pa ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos kayo ay maaring lumakas at maging kahanga-hanga. Iaalay ninyo sa akin ang inyong mga pusong pinalinis upang matanglawan ko ito ng ilaw ng buhay: ang aking Anak." 11/2010

Pahayag sa ika-25 ng Nobyembre 2010 "Mahal kong mga anak, nasisilayan ko kayo at aking namamalas ang kamatayang walang pag-asa, pagkabalisa at kagutuman. Walang dalangin at tiwala sa Panginoon kung kaya ako ay pinahihintulutan ng Kataastaasang Diyos na kayo ay dalhan ng pag-asa at kagalakan. Buksan ang inyong kalooban. Buksan ang inyong mga puso sa habag ng Panginoon at pupunan niya ang lahat ng inyong pangangailangan. Pupunuin niya ang inyong mga puso ng kapayapaan sapagkat siya ang kapayapaan at inyong pag-asa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan." 11/2010

Pahayag sa ika-2 ng Disyembre 2010 "Mahal kong mga anak; ngayong akoy'y dumadalangin kaisa ninyo upang likumin ang kalakasan na buksan ang inyong mga puso upang inyong mabatid and sukdulang tindi ng pagmamahal ng naghihirap ng Panginoon. Sa pamamagitan nito, at ng kanyang Pagmamahal, Kagandahang-loob at Kapakumbabaan, ako ay kasa-kasama ninyo. Inaanyayahan ko kayo sa isang di-pangkaraniwang panahon ng paghahanda na maging oras ng panalangin, pagpapakasakit at pagbabalik-loob. Aking mga anak, kailangan ninyo ang Panginoon. Hindi kayo maaring umungos liban sa aking Anak. Kapagka naunawaan at natanggap ninyo ito,anumang ipinangako sa inyo ay matutupad. Sa pamamitan ng Espiritong Banal, ang kaharian ng Kalangitan ay mapapasainyong puso. Inaakay ko kayo sa landas na ito. Salamat."

Pahayag sa ika-25 ng Disyembre 2010 "Mahal kong mga anak! Ngayon, ninanais ko at ng aking Anak na punuin kayo ng masaganang kagalakan at kapayapaan upang ang bawat isa sa inyo ay maging tagapaghatid at saksi sa kapayapaan at kagalakan sa mga pook na inyong tinitirhan. Munting mga anak, kayo ay maging biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawaga." 12/2010


Taunang Pagpapakita kay Jacov sa ika-25 ng Disyembre

Sa huling arawa ng pagpapakita kay Jacov Colo noong ika -12 ng Setiyembre 1998, wika ng Mahal na Birhen sa kanya na siya ay magpapakita kay Jacov minsan bawat taon, tuwing ika-25 ng Disyembre, sa Kapaskuhan. Ito ay naulit ngayong taon. Ang pagpapakita ay nagsimula ng 2:25 ng hapon at tumagal ng pitong (7) minuto.

Sabi ni Jacov: Kinausap ako ng Mahal na Birhen ukol sa mga lihim at sa huli ay kanyang sinabi: "Manalangin, manalangin, manalangin."


Last Modified 03/17/2011