Our Lady Of Medjugorje

Messages From 2011 In Tagalog

Pahayag sa ika-2 ng Enero 2011 "Mahal kong mga anak, tinawagan ko kayo na makiisa kay Hesus, na aking Anak. Ang aking maka-inang puso ay nananalanging upang inyong maunawaan na kayo ay kabilang sa pamilya ng Panginoon. Sa pamamagitan ng kalayaang pang-ispiritwal, na bigay ng Mabathalang Panginoon, kayo ay tinatawagang mabatid and katotohanan, ang mabuti at ang di wasto. Nawa'y ang panalangin at pag-aayuno ay magbukas ng inyong mga puso. Sa pagsaliksik sa Ama, ang iyong buhay ay maayon sa pagtugon sa kagustuhan ng Panginoon at matanto ninyo ang angkan ng Diyos alinsunod sa kagustuhan ng aking Anak. Hindi ko kayo iiwan sa landasing ito. Salamat."

Naramdaman ni Mirjana na maaring niyang sabihin sa ating Mahal na Ina: "Kaming lahat at dumudulog sa inyo dala ang aming mga krus at pagdurusa. Kami ay nagsusumamong tulunga kami. Inabot ng Mahal na Birhen ang kanyang mga kamay sa atin at winika: "Buksan ninyon ang inyong puso. Ibigay ninyo sa akin ang inyong pagdurusa. Ang Ina ay tutulong."


Pahayag sa Ika-25 ng Pebrero 2011 "Mga anak! Ang kalikasan ay gumigising at sa mga puno masisilayan ang mga usbong na siyang maghahatid ng pinakamagagandang bulaklak. Ninanais ko rin, mga munting anak, pagsumikapan ninyo ang pagbabago at kayo sana ang siyang maging saksi upang sa pamamagitan ng inyong halimbawa ito ay magsilbing palatandaan at pampa-ganyak sa pagbabalik loob ng iba. Ako ay kasa-kasama ninyo at sa harap ng aking anak na si Hesus ako ay namamagitan para sa inyong pagbabago. Salamat sa pagtalima ninyo sa aking panawagan." 02/25/2011

Pahayag sa Ika-02 ng Marso, 2011 "Mahal na mga Anak. Ang aking pusong makaina ay lubusang naghihirap habang ako ay nakatunghay sa aking mga anak na patuloy na inilalagay ang kanilang sarili sa pagiging tao at hindi ang para sa Diyos; sa aking mga anak, sa kabila ng lahat ng nakapalibot at lahat ng palantandaan na ipinadadala sa kanila, iniisip pa rin na sila ay makakalakad ng walang Diyos. Hindi maaari! Sila ay maglalakad sa walang hanggang kapahamakan ng kaluluwa. Kaya nga pinagsasama-sama ko kayo, na handang buksan ang inyong puso sa akin, kayo na handang maging apostol ng aking pagmamahal, na tulungan ako; para mabuhay ng may pag-ibig sa Diyos, maging ehemplo ka sa mga taong hindi nakakaalam nito. Nawa ang pag-aayuno at panalangin ay magbigay sa iyo ng lakas at pinagpapala ko kayo sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Salamat sa iyo. " 03/02/2011


Taunang Pagpapakita kay Mirjana - Marso 18, 2011

Ang mapangitaing si Mirjana Dragicevic-Soldo ay pinagpapakitaan araw-araw simula Hunyo 24, 1981 hanggang Disyembre 25, 1982. Sa huling pagpapakita, ipinaalam sa kanya ng Mahal na Birhen ang ika-sampung lihim. Bukod dito sinabi pa na siya ay pagpapakitaan isang beses bawat taon tuwing ika-18 ng Marso. Ganito ang naganap sa palipas ng mga taon. Libu-libong mga deboto ang nagtitipun-tipon sa pagdarasal ng Rosaryo sa pook ng 'Kurus na Asul.' Ang pagpapakita ay tumagal ng 13:46 hanggang 13:50 minuto.

"Mga anak, ako ay sumasainyo sa ngalan ng pinakamasidhing pagmamahal, sa ngalan ng Mahal na Panginoon, na lumalapit sa inyo sa pamamagitan ng aking Anak at nagpapamalas ng tunay na pag-ibig. Ninanais kong akayin kayo sa landas ng Panginoon. Ninanais kong ituro sa inyo ang tunay na pag-ibig upang mamalas ito ng iba sa buhay ninyo, upang makita ninyo ito sa buhay ng ibang tao, upang kayong lahat ay magturingan bilang magkakapatid at upang maramdaman ng ibang nilalang ang is mahabaging kapatid sa ninyo. Mga anak, huwag kayong matakot na buksan ang inyong puso sa akin. Sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig, ipakikita ko sa inyo ang mga bagay-bagay na inaasahan ko sa inyo, mga inaasahan ko sa aking mga alagad. Samahan ninyo ako. Salamat."


Pahayag sa ika-25 ng Marso, 2011 "Mahal kong mga anak, ngayon, sa isang di-pangkaraniwang paraan, ay tinatawagan ko kayong magbalik-loob. Mula ngayon, nawa'y ang panibagong buhay ay magsimula sa inyong puso. Mga anak, ninais kong makita ang inyong 'Oo,' at nawa ay ang bawat sandali ng inyong buhay ay mapuno ng galak sa pagtalima sa kagustuhan ng Panginoon. Sa isang espesyal na paraan, binabasbasan ko kayo ng aking maka-Inang bendisyon ng kapayapaan, pagmamahal at pagkakaisa mula sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugon." 03/25/2011


Pahayag ng Mahal na Birhen kay Mirjana noong Abril 2, 2011

Mga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at bawa't isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa bawa't isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat."

Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.


Pahayag sa ika-25 ng Abril 2011 "Mga anak, habang ang kalikasan ay nagbibigay ng pinaka-magagarang kulay ng taon, tinatawagan ko kayong saksihan at tulungan ang iba na lumapit sa aking kalinis-linisang puso upang magliyab ng pagmamahal ang kanilang puso ukol sa Kaitastaasang Diyos. Ipinagdarasal ko kayo upang ang inyong buhay ay maging salamin ng kalangitan dito sa lupa. Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan." 04/2011

Pahayag sa ika-25 ng Mayo 2011 "Mga anak! Ngayon, dasal ko na inyong hanapin ang biyaya ng pagbabalik-loob. Kayo ay kumakatok sa pintuan ng aking puso nguni't walang pag-asa at panalangin, lubog sa kasalanan at walang pangungumpisal sa Panginoon. Talikdan ninyo ang kasalanan at pagpasyahan ang landas ng kabanalan, mga munting mga anak. Sa ganitong paraan ko lamang kayo matutulungan. Sa ganitong paraan ko lamang maririnig ang inyong mga panalangin at maipamamagitan kayo sa Kaitastaasan! Salamat sa inyong pagtugon sa aking panawagan." 05/2011


Last Modified 06/01/2011