Our Lady Of Medjugorje
Messages From 2001 In Tagalog
Mensahe January 25, 2001 "Mahal kong mga anak! Ngayon kayo ay aking tinatawagan upang muling isagawa ang pagdarasal at ang pag-aayuno nang mas masigasig hanggang ang pagdarasal ay maging ligaya sa inyo. Munti mga anak, ang sino man magdasal ay hindi matatakot sa darating na panahon at sino man mag-ayuno ay hindi matatakot sa kasamaan. Muli, ay aking inuulit sa inyo:sa pamamagitan lamang ng pagdarasal at pag-aayuno ang digmaan ay matitigil-digmaan ng hindi paniniwala at takot sa darating. Ako ay sumasainyo at kayo ay aking tinuturuan mga munti kong anak: ang inyong katahimikan at pag-asa ay nasa Diyos. Dahil dito maging malapit kayo sa Diyos at Siya ay ilagay sa pangunahin lugar sa inyong buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 01/2001
Mensahe Pebrero 25, 2001 "Mahal kong mga anak. Ngayon ang panahon ng grasya. Kaya nga magdasal, magdasal, magdasal hanggang mabago mo ang pag-mamahal sa Diyos at ng bawat isa sa atin. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag." 02/2001
Mensahe March 25, 2001 "Mahal kong mga anak! Ngayon rin ay tinatawagan ko kayo upang buksan ang inyong sarili sa pag-darasal. Munti kong mga anak, kayo ay namumuhay sa panahon na binigyan ng maraming grasya ng Diyos pero hindi ninyo alam kung paano gamitin ito sa mabuti. Kayo ay nag-ala-ala sa ibang bagay, pero kaunti sa inyong kaluluwa at espiritual na buhay. Gumising kayo sa inyong kapaguran pagtulog ng inyong kaluluwa at sumagot sa Diyos ng inyong buong lakas. Magdesisyon para sa pagbabago at kabanalan. Ako ay sumasainyo, munti kong mga anak, at kayo ay aking tinatawagn sa kasakdalan ng inyong kaluluwa at sa lahat ng inyong gawain. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akong pagtawag." 03/2001
Mensahe April 25, 2001 "Mahal kong mga anak! Kaya ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal. Mga anak kong munti, ang pagdarasal ay may magagawang milagro. Kung kayo ay pagod at maysakit at hindi ninyo alam ang dahilan ng inyong buhay, kunin ninyo ang royaryo at magdasal , magdasal hanggang ang pagdarasal ay maging maligayang pakikipag-kita sa Panginoon. Ako ay sumasainyo , mga anak kong munti , at ako ay mananalangin para sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 04/2001
Mensahe Mayo 25, 2001 "Mga anak kong munti! Ngayon ay panahon ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang manalangin. Mga anak kong munti! Kayo ay nagtatrabaho ng labis-labis ngunit walang bendisyon ng Diyos. Bendisyunan at hanapin ang karunungan ng Banal na Espiritu upang kayo ay ihatid sa panahong ito at maunawaaan na mamuhay na may grasya. Magbago kayo mga anak kong munti at manalangin sa katahimikan ng inyong puso. Ilagay ang Diyos sa gitna ng inyong buhay upang ito ay inyong masaksihan ng may ligaya at kagandahan ng patuloy na ibinibigay niya sa inyong buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 05/2001
Mensahe June 25, 2001 "Mga mahal kong anak! Ako ay sumasainyo at aking kayong binibendisyunan ng aking makainang pagpapala. Lalong-lalo ngayon na ang Panginoon ay nagbigay ng maraming biyaya, magdasal at hanapin ang Diyos sa pamamagitan ko. Ang Diyos ay binigyan kayo ng maraming biyaya, dahil dito, mga munti kong anak gamitin ninyo ang panahon ito ng grasya sa kabutihan at maging malapit sa aking puso upang kayo ay tumahak sa landas na patungo sa aking Anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong pagtugaon sa aking pagtawag." 06/2001
Mensahe July 25, 2001 "Mga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang lalong lumapit kayo sa Diyos sa pamamagitan ng iyong sariling pananalangin. Gamitin sa mabuti ang panahon ng pamamahinga at ibigay ang inyong kaluluwa at paningin sa Diyos. Hanapin ang kapayapaan sa kalikasan at inyong matutuklasan ang Diyos na Lumalang upang kayo ay makapagpasalamat para sa lahat na nilalang; matapos ay inyong matatagpuan ang kaligayahan sa inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 07/2001
Mensahe August 25, 2001 "Mga anak kong munti! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magdesisyon para sa kabanalan. Sana para sa iyo, mga anak kong munti ay lumagi sa inyong isipan at sa lahat ng kalagayan ay laging manguna ang kabanalan. Sa paraang ito, inyong mailalagay sa pagsasanay, paunti-unti, baitang-baitang, pagdarasal at desisyon para sa kabanalan, ay papasok sa inyong pamilya. Maging tapat sa inyong sarili at huwag ninyong itali ang inyong sarili sa makalupang bagay kundi sa Diyos. At huwag ninyong kalimutan, mga anak kong munti, na ang inyong buhay at lilipas din tulad ng bulaklak. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 08/2001
Mensahe September 25, 2001 "Mga mahal kong anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magdasal, lalo na ngayon na si Satanas ay ninais ang digmaan at pagkapoot. Tinatawagan ko kayo mga anak kong munti upang magbago, manalangin at magsakripisyo upang ang Diyos ay bigyan kayo ng katahimikan. Maging saksi sa katahimikan sa bawa't puso at maging daan sa pagkakaroon ng katahimikan sa mundong ito na walang katahimikan. Sa harapan ng Diyos sa bawa't isa sa inyo ako ay sumasainyo. At huwag kayong matakot dahil ang sinuman nanalangin ay hindi matatakot sa kasamaan at walang poot sa kanyang puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 09/2001
Mensahe Oktubre 25, 2001 "Mahal kong mga anak! Kaya ngayon ay tinatawagan ko kayo upang magdasal mula sa inyong puso at mahalin ang inyong kapwa. Mga anak kong munti, kayo ang napili upang magpatunay sa katahimikan at kaligayahan. Kung walang katahimikan, magadasal at ng inyong makamtan. Dahil sa inyo at sa inyong pagdarasal, mga anak kong munti, ang katahimikan ang kailangan para sa mundo. Kaya mga anak kong munti, magdasal, magdasal, magdasal, dahil ang pagdarasal ay nakagagawa ng milagro para sa puso ng tao at sa buong mundo. Ako ay sumasainyo at ako ay nagpapasalamat sa Diyos at sa bawat isa na inyo na siyang tumangap ng mataimtim na pagdarasal na seryoso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 10/2001
Mensahe, November 25, 2001 "Mga mahal kong anak! Sa panahon ito ng grasya, ako ay tumatawag sa inyo upang magbalik loob sa pagdarasal. Mga munti kong anak, manalangin at ihanda ang inyong puso sa pagdating ng Hari ng Kapayapaan, na sa pamamagitan ng kanyang bendisyon, Siya ay magbibigay ng kapayapaan sa buong mundo. Ang walang katahimikan ay nagsisimulang mamahay sa puso at pagkapoot ang siyang namamayani sa mundo. Dahil dito kayong nabubuhay sa mensahe ay siyang maging ilaw at paabutin ang inyong kamay sa mundong itong walang pananalig upang ang lahat ay makilala ang Panginoon ng Pagmamahal. Huwag kalimutan, mga munti kong anak, ako ay sumasainyo at kayo ay aking binabasbasan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akong pagtawag." 11/2001
Mensahe, December 25, 2001 "Mahal kong mga anak, Nananawagan ako sa inyo ngayon at hinihikayat na manalangin para sa kapayapaan. Lalong-lalo na ngayong kalong ko sa aking mga bisig ang bagong silang na si Jesus para sa inyo, upang makipag-isa sa kanya sa pamamagitan ng panalangin at maging isang tanda dito sa walang kapayapaang mundo. Hikayatin ang bawat isa mga munti kong anak na manalagin at magmahalan. Naway ang inyong panananampalataya ay lalong makahikayat na manampalataya at magmahalan. Binabasbasan ko kayo at tinatawagan na maging malapit sa aking puso at sa puso ng nino Jesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 12/2001