Our Lady Of Medjugorje
Messages From 2002 In Tagalog
Mensahe of January 25, 2002 "Mga mahal kong anak, samantalang kayo ay nagbabalik-tanaw pa sa nakaraang taon, tingnan ninyo ang kaibuturan ng inyong puso at magpasiya kayo na maging malapit kayo sa Diyos at sa pananalangin. Mga anak, lubha kayong malapit sa mga bagay na makalupa at malayo sa buhay na maka-Diyos. Sana ang pagtawag ko sa inyo ay makahikayat para kayo ay magpasiya ng para sa Diyos at sa pang-araw-araw na pagbabalik-loob. Hindi kayo makakapagbalik-loob kung hindi ninyo iiwanan ang mga kasalanan at magpapasiya kayo ng pagmamahal na ukol sa Diyos at sa inyong kapwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2002
Mensahe of February 25, 2002 "Mga mahal kong anak, Sa panahong ito ng biyaya, tinatawagan ko kayo upang maging kaibigan ni Hesus. Ipanalangin ninyo ang kapayapaan sa inyong puso at ang pangsariling pagbabago. Mga anak, sa ganitong paraan lamang ninyo magagawa na maging saksi ng kapayapaan at pagmamahal kay Hesus sa mundong ito. Buksan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin upang ang pananalangin ay kailanganin ninyo. Magbabo kayo mga anak at magsikap. Kayo upang maraming kaluluwa ang kumilala kay Hesus at sa kanyang pagmamahal. Ako ay malapit sa inyo at pinagpapala ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2002
Mensahe of March 25, 2002 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang maki-isa kay Hesus sa pagdalangin. Buksan ang iyong mga puso sa Kanya at ibigay sa Kanya ang lahat ng nasasaloob nito: kasayahan, kalungkutan at karamdaman. Nawa'y maging panahon ito ng grasya para sa inyo. Manalangin, mga munti kong anak, at nawa'y lahat ng inyong oras ay maging para kay Hesus. Ako ay kasama ninyo at ako ay sumasainyong lahat. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 03/2002
Mensahe Sa Ika 25 ng Abril 2002 "Mga mahal kong anak, Makipagdiwang kayo sa akin sa panahong ito ng tagsibol na ang lahat sa kalikasan ay nagsisigising, at ang inyong mga puso ay naghahangad ng pagbabago. Buksan ang inyong sarili mga anak at manalangin. Huwag ninyong kalilimutan na ako ay laging nasa inyo, at ninanais ko na igabay ko kayo sa aking Anak upang bigyan kayo ng handog na tapat na pagmamahal tungo sa Diyos at ang lahat na mula sa kanya. Buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin at hanapin ang pagbabago ng inyong mga puso mula sa Diyos; ang lahat ay kanyang nakikita at ipagkakaloob. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 04/2002
Mensahe Sa Ika 25 ng Mayo 2002 "Mga mahal kong anak, nanawagan ako sa inyo ngayon upang ang pananalangin ay maging pangunahin sa inyong buhay. Mamalangin kayo at nawa'y ang pananalangin ay maging kagalakan sa inyo. Ako'y lagging nasasainyo at mamamagitan para sa inyong lahat mga anak, at nawa'y lagi kayong nagagalak sa pagpapahayag ng aking mensahe. Nawa'y ang buhay ninyo sa aking piling ay maging kagalakan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2002
Mensahe of June 25, 2002 "Mga mahal kong anak! Ngayon ako’y nanalangin para sa inyo at kasama ninyo at nawa’y tulungan kayo ng Banal na Espirtu na madagdagan ang inyong pananampalataya ng sa gayon ay lalo ninyong matanggap ang pahayag na ibinibigay ko sa inyo dito sa banal na lugar. Mga anak, unawain ninyo na ito ang panahon nang biyaya para sa bawat isa sa inyo, at sa pamamagitan ko mga anak ay lalo kayong maligtas. Ninanais ko na igabay kayo sa daan ng kabanalan. Ipamuhay ninyo ang aking pahayag at ilagay sa inyong buhay ang bawat katagang ibinibigay ko sa inyo. Nawa’y maging mahalaga ito para sa inyo sapagkat ito ay nagmula sa langit. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 06/2002
Mensahe of July 25, 2002 "Mahal kong mga anak! Ngayon ako’y nagagalak kasama ng inyong mga patron, at tinatawagan ko kayo na maging bukas sa kalooban ng Diyos nang sa gayon, sa iyo at sa pamamagitan mo ay yumabong ang pananampalataya nang bawat taong makatagpo mo sa araw-araw mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananampalataya ay maging kagalakan para sa iyo. Hingin ninyo sa inyong banal na tagapangalaga na tulungan kayong lumaki na nagmamahal sa Diyos salamat sa pagtugon ninyo sa akin." 07/2002
Mensahe of Agosto 25, 2002 "Mahal kong mga anak, Ngayon ako ay kasama n’yo rin sa pananalangin upang pagkalooban kayo nang diyos nang matatag na pananampalataya. Mga anak, maliit ang inyong pananampalataya at hindi ninyo halos alam kung gaano kalaki. Dahil dito, hindi pa kayo handa upang hanapin ang handog ng pananampalataya mula sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako ay kasama ninyo ay para tulungan kayong maunawaan ang aking pahayag at ito ay isabuhay ninyo. Manalangin kayo, manalangin, manalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pananalangin makakatagpo nang kapayapaan ang inyong kaluluwa, at ang mundo ay makakatagpo nang tuwa na makasama ang Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan" 08/2002
Mensahe of September 25, 2002 "Mahal kong mga anak, Sa panahong ito ng walang kapayapaan ay tinatawagan ko kayong manalangin. Manalangin kayo para sa kapayapaan ng sa gayon ay madama ng mga tao sa mundong ito ang pagmamahal tungo sa kapayapaan. Makadarama lamang ang tao nang kasiyahan kung kanilang matatagpuan ang kapayapaan sa Diyos at ang pagmamahal ay kakalat sa mundo. At kayo ay tinatawagan sa natatanging paraan upang kayo ay mabuhay at maging saksi sa kapayapaan. Kapayapaan sa inyong mga puso at sa inyong mga pamilya, at sa pamamagitan ninyo nawa'y magsimulang kumalat ang kapayapaan sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 09/2002
Mensahe of Oktubre 25, 2002 "Mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayong muli na manalangin. Mga anak maniwala kayo na ang himala ay nagagawa sa pamamagitan ng munting pananalangin. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos at Siya ay gagawa ng himala sa inyong buhay. Sa pagtingin sa mga naging bunga ang inyong mga puso ay mapupuno ng tuwa at utang na loob sa Diyos sa lahat ng bagay na ginawa ninyo sa inyong mga buhay pati na sa iba sa pamamagitan ninyo. Manalangin kayo at manampalataya mga anak. Binibigyan kayo ng biyaya at ito ay hindi ninyo nakikita. Manalangin kayo at ito ay inyong makikita. Nawa’y ang araw ninyo ay mapuno ng pananalangin at pasasalamat sa lahat ng ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 10/2002
Mensahe of NOB. 25, 2002 "Mahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo ngayon para sa pagbabago. Buksan ang inyong mga puso sa Diyos mga anak sa pamamagitan ng pangungumpisal at ihanda ang inyong mga kaluluwa upang ang sanggol na si Hesus ay muling isilang sa inyong mga puso. Paunlakan ninyo siyang baguhin kayo at igabay kayo sa daan ng kapayapaan at tuwa. Mga anak, magpasiya sa pananalangin. Lalo na ngayon na panahon nang biyaya. Nawa’y ang inyong mga puso ay manabik sa pananalangin. Ako ay malapit sa inyo at ipinamamagitan ko kao sa Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking pananawagan." 11/2002
Mensahe of Disyembre 25, 2002 “Mahal kong mga anak, Ito ay panahon ng dakilang biyaya, ngunit ito rin ang panahon ng malaking pagsubok para duon sa nagnanais na sundin ang daan ng kapayapaan. Dahil diyan, mga anak, muli akong nanawagan na kayo ay manalangin, manalangin, manalangin, hindi sa pamamagitan ng salita kung hindi sa inyong mga puso. Ipamuhay ninyo ang aking mga pahayag sa inyo at magsipagbago kayo. Maging mulat kayo sa handog na ito na ipinagkaloob ng diyos, na ako ay makapiling ninyo lalo na ngayon na hawak ko sa aking mga bisig ang sanggol na si Hesus ang Hari ng kapayapaan, at dalhin ninyo ito sa inyong mga puso at ibigay ninyo sa iba hanggang sa ang kapayapaan ng diyos ay maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan.” 12/2002