Our Lady Of Medjugorje
Messages From 2003 In Tagalog
Pahayag Sa Ika 25 Ng Enero, 2003 "Mahal kong mga anak, Sa pahayag na ito ay muli ko kayong tinatawagan upang manalangin para sa kapayapaan. Lalo na ngayon na ang kapayapaan ay nasa pangnib, kayo ang manalangin at magin saksi sa kapayapaan. Mga anak kayo ay maging kapayapaan dito sawalang kapayapaang mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2003
Pahayag Sa Ika 25 Ng February, 2003 "Mahal kong mga anak, ako ay muling nanawagan para manalangin at magayuno alang-alang sa kapayapaan tulad nang nasabi ko na sa inyo at muli kong inuulit sa inyo mga anak na sa pananalangin at pag aayuno lamang mapipigilan ang paghahamok. Ang kapayapaan ay isang handog nag diyos. Hanapin at manalangin at iyo'y inyong makakamit. Pagusapan ninyo ang kapayapaan at dalhin sa inyong mga puso. Alagaan ito tulad sa isang bulaklak na nangangailangan ng tubig, pagmamahal at liwanag. Maging tagapagdala kayo ng kapayapaan sa iba. Ako ay nasa inyo at mamagitan para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2003
Pahayag sa Ika 25 Ng Marso, 2003 "Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay muling nanawagan sa inyo pang manalangin para sa kapayapaan, manalanginsa kaibuturan ng inyong mg puso mga anak, at huwag mawawalan ng pag-asa sapagkat mahal ng Diyos ang kanyang mga nilikha. Nais ng Diyos na kayo ay isa-isang maligtas sa pamamgitan ng aking pagdating dito. Tinatawagan ko kayo sa daan ng kabanalan. Manalangin kayo. Sa pananalangin kayo ay bukas sa kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan at sa lahat ng ginagawa ninyo ay malalaman ninyo ang plano ng Diyos para sa inyo sa pamamagitan ninyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 03/2003
Pahayag sa Ika 25 Ng Abril, 2003 "Mahal kong mga anak, kayo ay muli kong tinatawagan upang buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Sa panahon ng nagdaang Quaresma napapagkuro-kuro ninyo kung gaano kayo kaliit at kung gaano kaliit ang inyong pananampalataya. Mga anak magpasiya kayo ngayon para sa Diyos, na sa inyo at sa pamamagitan ninyo sana ay mapagbago ninyo ang puso ng mga tao, at gayon din ang inyong mga puso. Maging maligaya kayong tagapagdala ng balita ng pagka-buhay ng Diyos dito sa walang katahimikang mundo na nagnanais sa Diyos at sa lahat ng naauukol mula sa Diyos. Ako ay kasamasama ninyo mga anak, at mahal ko kayo ng isang natatanging pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 04/2003
Pahayag sa Ika 25 ng Mayo, 2003 "Mga mahal kong anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli para manalangin. Pagbaguhin ninyo ang inyong mga pangsariling pananalangin, at sa kakaibang paraan ay manalangin kayo sa Banal na Espiritu na tulungan kayong manalangin ng bukal sa inyong mga puso. Ipinamamagitan ko kayo mga anak, at tinatawagan ko kayo para magsipagbago. Kung kayo ay magbabago, lahat ng mga nakapaligid sa inyo ay magagsisipagbago rin at ang pananalagin ay magiging tuwa para sa kanila. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2003
Mensahe sa Ika 25 ng Hunyo 2003 "Mahal kong mg anak! Muli ko kayong tinatawagan ng may kagalakan upang isa-buhay ang aking mensahe. Ako ay nasasainyo at ako ay nagpapasalamat sa pagsasabuhay ninyo ng aking mga sinasabi sa inyo. Tinatawagan ko kayong muli upang ipanibago ko ang aking mensahe sa inyo ng mayhigit na sigasig at tuwa. Nawa’y ang pananalangin ay maging pang araw-araw ninyong gawain. Salamat sa pagtugon nonyo sa aking panawagan." 06/2003
Mensahe sa Ika 25 ng Hulyo, 2003 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay nananawagan ako sa inyo na kayo ay manalangin. Mga anak, manalangin kayo hanggang ang pananalangin ay maging tuwa para sa iyo. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matatagpuan ang kapayapaan sa inyong mga puso at ang inyong kaluluwa ay masisiyahan. Madarama ninyo ang pangangailangan na maging saksi para sa iba ang pagmamahal na inyong nadarama sa inyong mga puso at buhay. Ako ay nasasa-inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 07/2003
Mensahe sa Ika-25 ng Agosto "Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ngayon upang magpasalamat sa Diyos na nasa inyong mga puso alang-alang sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa inyo sa pamamagitan ng mga pahiwatig at kulay na nasa sa kalikasan. Nais ng Diyos na kayo ay mapalapit sa Kanya at matinag kayo upang siya ay papurihan at pasalamatan. Kung kaya mga anak tinatawagan ko kayong muli upang manalangin, manalangin, manalangin at huwag ninyong kalilimutan na ako ay kapiling ninyo. Ipinamamagitan ko ang bawat isa sa inyo sa Diyos hanggang magkaroon kayo ng ganap na tuwa. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 08/2003
Mensahe sa Ika-25 ng Septiyembre 2003 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na maging malapit sa aking puso. Tanging sa ganitong paraan lamang ninyo mauunawaan ang handog ng aking pakikipagpiling sa inyo. Ninanais ko mga anak na igabay kayo tungo sa puso ng aking anak na si Hesus; ngunit tinatanggihan ninyo at hindi ninyo nais na buksan ang inyong mga puso sa pananalangin. Muli mga anak, tinatawagan ko kayo na huwag maging bingi sa aking panawagan ng kaligtasan para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 09/2003
Mensahe sa Ika-25 ng Oktubre 2003 "Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo ng panibago upang ihandog ang inyong mga sarili sa aking puso at sa sa mahal na puso ng aking Anak na si Hesus. Ninanais ko mga anak na igabay kayong lahat sa daan ng pagbabago at kabanalan. Tanging sa ganitong paraan lamang at sa pamamagitan ninyo maigagabay ang maraming kaluluwa tungo sa kaligtasan. Huwag ninyong antalahin mga anak , sa halip sabihin ninyo ng buong puso "Nais kong tulungan si Hesus at si Maria upang higit na maunawaan ng aking mga kapatid ang pagtahak sa daan ng kabanalan. Sa ganitong paraan lamang ninyo madarama ang kasiyahan ng pagiging kaibigan ni Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 10/2003
Pahayag sa Ika-25 ng Nobyembre, 2003 "Mahal kong mga anak, Tinatawagan ko kayo upang ang panahong ito ay maging panghalina sa inyo upang manalangin. Sa panahong ito mga anak, manalangin kayo na si Hesus ay isilang sa inyong mga puso. Higit sa lahat duon sa ayaw kumilala sa kanya. Maging mapagmahal, maging tuwa at kapayapaan kayo dito sa walang katahimikang mundo. Ako'y laging nasa inyo at namamagitan sa Diyos para sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 11/2003
Pahayag sa Ika-25 ng Disyembre "Mahal kong mga anak! Ngayon ay binabasbasan ko kayong lahat ng aking Anak na si Hesus na kalong ko sa aking mga bisig, ang Hari ng kapayapaan, para sa inyo na nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang kanyang kapayapaan. Ako ay lagi ninyong kapiling at mahal ko akyong lahat mga mahal kong anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 12/2003
Last Modified 01/09/2004