Our Lady Of Medjugorje
Messages From 2004 In Tagalog
Pahayag sa ika-25 ng Enero "Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko rin kayo para manalangin. Manalangin kayo mga anak sa isang natatanging pananalangin alang-alang sa mga hindi pa nakakaalam sa pagmamahal ng Diyos. Manalangin kayo na mabuksan ang kanilang puso at mapalapit sa aking Mahal na puso at sa Mahal na puso ng aking anak na si Hesus upang sila ay ating mapagbago bilang mga tao ng kapayapaan at pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Pebrero "Mahal kong mga anak! Ngayon at higit magpakailanman ay tinatawagan ko kayo upang buksan ninyo ang inyong mga puso sa aking ipinahayag sa inyo. Mga anak, maging tagapagdala kayo ng mga kaluluwa upang mapalapit sa Diyos. Huwag yaong maglalayo sa kanila. Ako ay nasa sa inyo at minamahal ko kayo ng may tanging pagmamahal. Ito ay panahon ng pagtitika at pagbabago at mula sa kaibuturan ng aking puso ay tinatawagan ko kayong maging akin ng buo ninyong puso at dito lamang ninyo makikita na ang Diyos ay dakila sapagkat ipagkakaloob niya sa inyo ang masaganang biyaya at kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Marso "Mahal kong mga Anak! Ngayon din, tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong mga sarili sa pananalangin. Lalo na ngayon sa panahon ng biyaya. Buksan ninyo ang inyong mga puso mga anak at ipahayag ninyo ang inyong pagmamahal sa napapako. Sa ganitong paraan lamang ninyo matatagpuan ang kapayapaan, at ang pananalangin ay magsisimulang umapaw mula sa inyong mga puso patungo sa mundo. Maging halimbawa kayo mga anak at maging pang-akit kayo sa kabutihan. Ako ay malapit sa inyo at mahal ko kayong lahat. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 03/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Abril 2004 "Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang inyong isabuhay ang aking mga mensahe sa inyo ng may lubos na kababaang loob at pagmamahal upang kayo ay mapuno ng biyaya at kalakasan na magmumula sa Diyos Espiritu Santo. Sa ganitong paraan lamang kayo magiging saksi sa tunay na kapayapaan at pagpapatawad. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 04/2004
Pahayag Sa Ika 25 Ng Mayo 2004 "Mahal kong mga anak. Ngayon ay hinihikayat ko kayo na ihandog ang inyong mga sarile sa aking Puso at sa Puso ng aking anak na si Hesus. Sa ganitong paraan lamang na higit pa kayong mapapasaakin sa bawat araw at magbibigay sigla sa bawat isa patungo sa higit pang kabanalan. Sa pamamagitan nito ligaya ang magiging tuntunin ng inyong mga puso at kayo ay magiging tagapaghatid ng kapayapaan at pagmamahalan. Salamat sa pugtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Hunyo 2004 "Mahal Kong Mga Anak! Gayon din sa araw na ito, kaligayahan ang nasa puso ko. Nais kong magpasalamat sa inyo na ang aking panukala ay nagkakaroon ng kaganapan. Samakatuwid, ang bawat isa sa inyo ay mahalaga. Mga anak, manalangin at magsaya kayo kasama ko sa bawat puso na nagbabago at nagiging kasangkapan ng kapayapaan sa mundo, Mga anak, ang grupo ng mga nagdarasal ay malakas at sa pamamagitan nila nakikita ko ang Banal na Espiritu ay patuloy na gumagalaw sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 06/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Hulyo, 2004 "Mahal kong mga anak"! Tinatawagan ko kayong muling maging bukas sa aking panawagan . Ninanais kong lahat kayo, munti kong mga anak, ay hilahing lalong mapalapit sa aking anak na si Hesus, kaya kayo ay manalangin at mag-ayuno. Tinatawagan ko kayong lalong manalangin para sa aking mga adhikain upang kayo ay aking maidulog sa aking anak na sa Hesus ng kayo ang kanyang mapagbago at mabuksan ang inyong puso sa pagmamahal. Kapag ang puso ay may pagmamahal, kapayapaan ang sasakop sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 07/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Agosto 2004 "Mahal kong mga Anak! Kayo ay tinatawagan ko sa pagbabago ng inyong puso. Magpasiya kayo, gaya ng mga unang araw ng aking pagparito para sa buong pagbabago ng inyong buhay. Sa ganitong pamamaraan, munti kong mga anak, magkakaroon kayo ng lakas na lumuhod at buksan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos, Diringin at sasagutin ng Diyos ang inyong mga panalangin. Sa harap ng Diyos, ako ay mamagitan sa bawat isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 08/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Septyembre 2004 "Mahal kong mga Anak! Gayon din ngayon tinatawagan ko kayong umibig kung saan may poot, at pagkain kung saan may gutom. Buksan ang inyong mga puso, munti kong mga anak, ilahad ang mga kamay at maging mapagbigay nang sa gayon, sa pamamagitan ninyo, bawa't nilikha ay magpasalamat sa Diyos na lumikha. Magdasal, munti kong mga anak at buksan ang puso sa pagmamahal ng Diyos, na hindi magagawa kapag kayo ay hindi nananalangin. Sa makatuwid manalangin, manalangin, manalangin.Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 09/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Oktubre 2004 "Mahal kong mga anak! Ito ang panahon ng biyaya para sa mga mag-aanak, kaya kayo ay aking tinatawagang magbago sa pagdarasal. Nawa si Hesus ay sumapuso sa inyong mag-aanak. Sa pagdarasal ay natututo tayong ibigin ang lahat na sagrado. Gayahin ang buhay ng mga santo na nagbibigay sigla at nagiging tagapagturo sa mga landas tungo sa kabanalan. Nawa'y and bawa't mag-anak ay maging saksi ng pag-ibig dito sa mundong walang pagdarasal at kapayapaan. Salamat sa pagtugon sa aking panawagan." 10/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Nobyembre 2004 "Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito lahat kayo ay tinatawagan ko na magdasal para sa aking mga balak. Lalo na, munti kong mga anak, ipagdasal iyong mga hindi na nakakakilala sa pag-ibig ng Diyos at ang mga hindi sumasangguni sa Diyos na Tagapagligtas. Kayo, munti kong mga anak, ay maging hayag na kamay ko at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay mahila silang mapalapit sa aking puso at sa puso ng aking Anak. Gagantimpalaan kayo ng Diyos ng mga grasya at mga pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 11/2004
Pahayag sa Ika-25 ng Disyembre 2004 "Mahal kong mga Anak! Gayon din sa ngayon, ikinagagalak kong dalhin ko sa inyo ang aking Anak na si Hesus sa aking mga bisig. Binabasbasan niya kayo at tinatawagan sa kapayapaan. Magdasal munti kong mga anak at maging matatag na mga saksi ng mabuting balita sa lahat ng pagkakataon. Sa ganitong paraan lamang na kayo ipagpapala ng Diyos at sa inyong pananampatalaya ay ibibigay ang lahat ng inyong mga hinihiling. Ako ay laging sasainyo sa kapahintulutan ng Maykapal. Pinamamagitanan ko ng may malaking pagmamahal ang bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 12/2004
Last Modified 12/27/2004