Our Lady Of Medjugorje
Messages From 2005 In Tagalog
Pahayag sa Ika-25 ng Enero 2005 "Mahal kong mga Anak! Sa panahon ngayon ng biyaya, tinatawagan ko kayong muli na manalangin sa pagkakaisa ng mga Kristiyano upang sila ay mag-isang puso. Ang pagkakaisa ay sadyang sasainyo habang kayo ay nagdarasal at nagpapatawad. Huwag ninyong kalilimutan: ang pag-ibig ay nasasakop lamang kung kayo ay magdarasal at ang inyong puso ay bubuksan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Pebrero 2005 "Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo ngayon na maging aking mga galamay para sa mundong ito na inilalagay ang Diyos sa hulihan. Kayo, munti kong mga anak, ipagpauna sa lahat ang Diyos sa inyong buhay. Ipagpapala kayo ng Diyos at bibigyang lakas sa pagpapatutoo sa Kanya, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan. Ako ay namamagitan at laging sumasainyo. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ang pag-ibig ko sa inyo ay isang mayuming pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Marso 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pag-ibig. Munti kong mga anak, sa pag-ibig ng Diyos kayo ay magmahalan. Sa bawa't sandali ng kasiyahan at kalungkutan, mamayani nawa ang pag-ibig at sa ganitong paraan, magsisimulang maghari ang pag-ibig sa inyong mga puso. Mapapasainyo ang nabuhay muling si Hesus at kayo ang Kanyang mga magiging saksi. Makikisaya ako sa inyo at ipagtatanggol kayo ng aking mantel bilang isang Ina. Lalong-lalo na, munti kong mga anak, palagi kong susubaybayan ang araw-araw ninyong mga pagbabagong-loob sa pag-ibig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 03/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Abril 2005 "Mahal kong mga Anak! Gayon din sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo na muling buhayin ang pagdarasal sa inyong mga pamilya. Sa pagdarasal at pagbabasa ng Banal na Aklat, nayong ang Espiritu Santo na nagpapabago ay sumainyong mga pamilya. Sa ganitong paraan, kayo ang mga magiging tagapagturo ng pananampalataya sa inyong mga pamilya. Sa inyong pagdarasal at pagmamahalan, ang daigdig ay tatahak sa mas mabuting paraan at ang pag-ibig ay magsisimulang maghari sa mundo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 04/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Mayo 2005 "Mahal kong mga Anak! Muli ay tinatawagan ko kayo na isabuhay ng may pagpapakumbaba ang aking mga mensahe. Maging saksi ngayon lalo na sa nalalapit na anibersaryo ng aking mga pagpapakita. Munti kong mga anak, maging tanda doon sa mga malalayo sa Diyos at sa Kanyang pagmamahal. Ako ay laging nasa inyo at binabasbasan kayo ng Maka-Inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Hunyo 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon ay pinasasalamatan ko kayo sa bawa't sakripisyong inialay ninyo para sa aking mga hangarin. Tinatawagan ko kayo, munti kong mga anak, upang maging aking mga alagad ng kapayapaan at pagmamahalan sa inyong mga pamilya at sa sandaigdigan. Manalangin na nawa'y paglinawagin kayo ng Espiritu Santo at ituro sa inyo ang daan ng kabanalan. Ako ay laging sumasainyo at binabasbasan ko kayo ng aking maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 06/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Hulyo 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang punan ang inyong mga araw ng mga maiiksi at masisigasig na panalangin. Kapag kayo ay nananalangin, buksan ng inyong mga puso at mamahalin kayo ng Diyos ng pagmamahal na natatangi at bibigyan Niya kayo nga mga biyayang bukod-tangi. Samakatuwid, gamitin sa tama ang panahong ito ng pagpapala at ihandog ito sa Diyos ng higit sa lahat ngayon. Kayo ay magnobena, mag-aayuno, at itakwil ang masasama upang lumayo si Satanas sa inyo at sa lahat ng mga kabutihang nakapaligid sa inyo. Naririto lamang ako sa tabi ninyo at namamagitan para sa inyong lahat sa harap ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 07/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Agosto 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang buhayin ang aking mga pahayag. Pinagkalooban kayo ngayon ng Diyos nang panahon ng biyaya. Samakatuwid, munti kong mga anak, gamitin sa tama ang bawa't sandali at manalangin, manalangin, manalangin. Kayo ay aking binabasbasan at ako ay namamagitan sa harap ng Kaitaas-taasan para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 08/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Septyembre 2005 "Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayo sa ngalan ng pagmamahalan, magbagong-loob kayo, kahit malayo ako sa inyong mga puso. Huwag ninyong kalimutan na ako ang inyong Ina at nararamdaman ko ang kirot sa bawa't isa sa inyo na malayo sa aking puso; nguni't hindi ko kayo iiwanang nag-iisa. Naniniwala akong lilisanin ninyo ang landas ng kasalanan at pipiliin ang kabanalan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 09/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Oktubre 2005 "Munti kong mga anak, manalig, manalangin at magmahalan, at ang Diyos ay malalapit sa inyo. Pagkakalooban Niya kayo ng mga biyayang inyong hinahanap mula sa Kanya. Ako ay kaloob Niya sa inyo sapagka't araw-araw, pinahihintulutan ako ng Diyos na sumainyo at na mahalin ko ang bawa't isa sa inyo ng walang hangganang pagmamahal. Samakatuwid, munti kong mga anak, sa panalangin at pagpapakumbaba ng loob, buksan ang inyong mga puso at maging saksi kayo ng aking pagdadalo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 10/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Nobyembre 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo upang manalangin, manalangin, manalangin hanggang ang panalangin ay siya ninyong maging buhay. Munti kong mga anak, sa ngayon, sa natatanging pamamaraan, nananalangin ako sa harap ng Panginoon na pagkalooban kayo ng biyaya ng paniniwala. Tanging sa paniniwala lamang ninyo matutukasan ang kasiyahan ng biyaya ng buhay na ibinigay sa inyo ng Panginoon. Magdiriwang ang inyong mga puso sa pag-iisip ng buhay na walang hangganan. Ako ay sumasainyo at minamahal ko kayo ng magiliw na pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 11/2005
Pahayag sa Ika-25 ng Disyembre 2005 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din, pangko sa aking mga bisig, inihahandog ko sa inyo ang Hesus na sanggol, Hari ng Kapayapaan. Munti kong mga anak, sa natatanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo upang maging aking mga tagahatid ng kapayapaan sa mundong walang katahimikan. Ipagpapala kayo ng Diyos. Munti kong mga anak, huwag ninyong kalilimutan na ako ang inyong ina. Binabasbasan ko kayo ng katangi-tanging biyaya, kasama ang Hesus na sanggol sa aking mga bisig. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 12/2005
Last Modified 12/29/2005