Our Lady Of Medjugorje

Messages From 2008 In Tagalog

Pahayag sa Ika-25 ng Enero 2008 "Mahal Kong Mga Anak! Sa panahon ng Mahal na Araw, nalalapit kayo sa oras ng biyaya. Ang mga puso ninyo ay tulad ng mga lupang inararo na handang tumanggap ng binhing sisibol sa anumang kabutihan. Kayo, munti kong mga anak, ay malayang mamili ng kabutihan o ng kasamaan. Samakatuwid, tinatawagan ko kayo upang manalangin at mag-ayuno. Magtanim ng kaligayahan at ang bunga ng kaligayahan ay tutubo sa inyong mga puso para sa inyong ikabubuti, at makikita ito ng iba at tatanggapin ito sa pamamagitan ng inyong buhay. Itatwa ang kasalanan at piliin ang buhay na walang hanggan. Ako ay sumasainyo at namamagitan para sa inyo sa harap ng aking Anak. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 01/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Pebrero 2008 "Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito ng grasya, tinatawagan ko muli kayo na manalangin at talikdan ang kasalanan. Nawa'y ang inyong araw ay masamahan ninyo ng masigasig na panalangin para sa mga hindi nakakakilala sa pagmamahal ng Panginoon. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 02/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Marso 2008 "Mahal kong mga Anak! Tinatawagan ko kayong pagpursigihan ang pansariling pagbabagong-loob. Malayo pa ninyong matagpuan ang Diyos sa inyong mga puso. Samakatuwid, gugulin ang inyong mga oras sa panalangin at pagsamba kay Hesus sa Dambana ng Kabanal-banalang Sakramento, na kayo ay kanyang baguhin at upang ilagay Niya sa inyong mga puso ang nabubuhay na paniwala at ang pagnanasa sa buhay na walang hanggan. Ang lahat ay lumilipas, munti kong mga anak, tanging ang Diyos lamang ang hindi lumilipas. Ako ay sumasainyo at pinasisigla ko kayo ng aking pagmamahal. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 03/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Mayo 2008 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayong lahat na mabuhay sa pagmamahal ng Diyos tulad ng bulaklak na nakadarama ng mainit na sinag ng araw sa panahon ng tagsibol. Sa pamamagitan nito, kayo rin, munti kong mga anak, ay mabubuhay sa pagmamahal ng Diyos at madadala ito sa mga malalayo sa Diyos. Hanapin ang kalooban ng Diyos at maging mabuti sa mga taong itinadhana ng Diyos na inyong makatagpo, at maging mga ilaw at kasiyahan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 05/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Hunyo 2008 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din, nang may malaking kagalakan sa aking puso, tinatawagan ko kayong sumunod sa akin at makinig sa aking mga pasabi. Maging mga masasayang tagahatid ng kapayapaan at pag-ibigl sa mundong ito na walang katahimikan. Ako ay sumasainyo and binabasbasan ko kayong lahat sa kasama ng aking Anak na si Hesus, Hari ng Kapayapaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 06/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Hulyo 2008 "Mahal kong mga Anak! Sa panahong ito na nakakaisip kayong mamahinga, tinatawagan ko kayo na magbagong loob. Manalangin at kumilos upang ang inyong mga puso ay manabik sa Diyos na Lumikha na siyang tunay na katahimikan ng inyong kaluluawa't katawan. Nawa'y ipakita Niya sa inyo ang kanyang mukha at bigyan Niya kayo ng Kanyang kapayapaan. Ako ay sumasainyo at namamagitan palagi sa Diyos para sa bawa't isa sa inyo. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 07/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Agosto 2008 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay tinatawagan ko kayo sa pansariling pagbabagong-loob. Kayo na syang mga magbabagong-loob, sa pamamagitan ng inyong buhay, ay makakasaksi, magmamahal, magpapatawad, at magdadala ng kasiyahan ng Siya na Nabuhay Muli sa daigdig na ito, kung saan ang aking Anak ay namatay at kung saan ang mga katauhan ay mga hindi nakadarama na Siya ay hanapin at tuklasin sa kanilang mga buhay. Sinasamba ninyo Siya, at nawa'y ang inyong mga pag-asa ay siyang mga maging pag-asa para sa mga pusong hindi nakakakilala kay Hesus. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 08/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Septyembre 2008 "Mahal kong mga Anak! Nawa'y ang panibago ninyong buhay ay iukol sa katahimikan. Maging masiyahing tagapagdala ng kapayapaan at huwag ninyong limutin na nabubuhay kayo sa panahon ng biyaya, na kung saan ay ibinibigay sa inyo ng Diyos mga kahanga-hangang kabutihan sa pamamagitan ng aking pagdalo. Huwag ninyong ipinid ang inyong mga sarili, sa halip ay gamitin ng mabuti ang panahong ito at hanapin ang handog na kapayapaan at pag-ibig para sa inyong mga buhay upang kayo ay maging mga saksi sa iba. Binabasbasan ko kayo ng maka-inang pagpapala. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 09/200

Pahayag sa Ika-25 ng Oktubre 2008 "Mahal kong mga Anak! Sa katangi- tanging pamamaraan, tinatawagan ko kayo na manalangin para sa aking mga hangarin upang, sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, ay mapigilan si Satanas sa kanyang mga balak para sa mundong ito, na palayuin kayo araw-araw sa Panginoon, at ilagay ang sarili niya sa lugar ng Diyos at sirain lahat ng mabuti at tama sa kaluluwa ng bawa't isa sa inyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, sandatahan ninyo ang inyong mga sarili ng mga panalangin at pag-aayuno upang mamalayan ninyo kung gaano kayong kamahal ng Diyos at nang maisakatuparan ninyo ang kalooban ng Diyos. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 10/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Nobyembre 2008 "Mahal kong mga Anak! Ngayon din ay nananawagan ako, sa panahong ito ng biyaya, na ipanalangin na ipanganak ang sanggol na Hesus sa inyong mga puso. Nawa'y Siya, na mismong katahimikan, ay magbigay ng katahimikan sa buong mundo sa pamamagitan ninyo. Samakatuwid, munti kong mga anak, manalangin ng walang patid sa magulong mundong ito na walang katahimikan, upang kayo'y maging mga saksi ng kapayapaan para sa lahat. Nawa'y dumaloy ang pag-asa sa inyong mga puso na maging ilog ng biyaya. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 11/2008

Pahayag sa Ika-25 ng Disyembre "Mahal kong mga Anak! Kayo ay mga nagsisitakbo, nagsisipagtrabaho, nagtitipon - nguni't walang biyaya. Hindi kayo nananalangin! Ngayon ay tinatawagan ko kayo na tumigil sa harapan ng sabsaban at magnilay-nilay kay Hesus, na siyang ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang mabasbasan kayo at tulungang maunawaan na, kung Siya'y wala, kayo'y walang kinabukasan. Samakatuwid, munti kong mga anak, isuko ang inyong mga buhay sa kamay ni Hesus, na kayo ay Kanyang mapatnubayan at maipagtanggol sa lahat ng kasamaan. Salamat sa pagtugon ninyo sa aking panawagan." 12/2008


BackHomeOverviewInfo
Last Modified 12/30/2008