Our Lady Of Medjugorje

Messages From 1996 In Tagalog

Disyembre 25, 1996 "Mahal kong mga anak: Ngayon ako ay sumasainyo sa mahala gang daan. Hinahawakan ko si Jesus sa aking kandungan at kayo ay aking inaanyayahan, mga anak kong munti buksan ang inyong sarili sa kanyong pagtawag. Tinatawagan niya kayo upang magsaya. Mga anak kong munti, Masayang mabuhay sa mensahe ng ebanghelio na aking inuulit magbuhat nh panahong ako ay sumasainyo. Mga anak kong munti ako ay inyong ina at nais kong ipaalam sa inyo ang Diyos ng pag-ibig at Diyos ng kapayapaan. Ayaw kong ang inyong buhay ay maging malungkot kundi maging walang hanggang kasiyahan. Ayon sa ebanghelio ito lang ang daan upang magkaroon ng layunin ang ating buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 12/25/96

Nobiembre 25, 1996 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay muli ko kayong inaanyayahan na manalangin upang sa pamamagitan ng panalangin pag-aayuno at munting sacrificio ay maihanda ang inyong sarili para sa pagdating ni Jesus. Sa panahong ito mga anak kong munti ay maging panahon ng biyaya para sa inyo. Gamitin ang bawat sandali at gumawa ng kabutihan, sa pamamagitan nito ay madama ninyo ang pagsilang ni Jesus sa inyong puso. Kung ang inyong buhay ay magbigay ng halimbawa at maging tanda ng pagmamahal sa Diyos, ang kaligayahan ay mananatili sa puso ng sanlibutan. Maraming salamat sa pagtugon sa aking pagtawag." 11/25/96

Oktubre 25, 1979 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang buksan ang inyong kalooban sa Diyos na lumalang sa atin, upang kayo ay magbago. Mga anak kong munti kayo ay narito sa akin. Mahal ko kayong lahat kaya tinatawagan ko kayo upang lalong lumapit sa akin, upang ang inyong pagmamahal sa aking banal na puso ay lalong tumibay. Nais ko kayong magbago at akayin sa landas tungo sa puso ni Jesus, na hanggang ngayon ay nagdurusa dahil sa inyo kaya tinatawagan kayo na magbago. Sa pamamagitan ninyo ay nais kong mabago ang mundo. Maunawaan ninyo mga anak kong munti na kayo ngayon ang asin at ilaw sa mundo. Mga anak kong munti inaanyayahan ko kayo at minamahal ko kayo ng labis. Maraming salamat sa pagtugon sa aking pagtawag." 10/25/96

Septiembre 25, 1996 "Mahal kong mga anak, Inaanyayahan ko kayo ngayon upang ihandog ang inyong pasanin at paghihirap para sa aking kahilingan. Mga anak kong munti, ako ang inyong ina at ninanais kong tulungan kayo sa paghahanap ng gracia mula sa Diyos. Mga anak kong munti ihandog ninyo sa Diyos ang paghihirap at iaalay upang maging magandang bulaklak ng kasiyahan. Kaya mga anak kong munti manalangin kayo upang maunawaan na ang paghihirap ay nagiging kasiyahan at ang krus ang siyang daan tungo sa kaligayahan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 09/25/96

Agosto 25, 1996 "Mahal kong mga anak, Makinig kayo dahil nais kong makipag-usap at anyayahan kayo upang magkaroon ng higit na pananampalataya at tiwala sa Diyos na lubos na nagmamahal sa inyo. Mga anak kong munti hindi ninyo alam na mabuhay sa biyaya ng Diyos kaya kayo ay aking tinatawagang muli upang dalhin ang salita ng Diyos sa inyong puso at pag-usip. Mga anak kong munti, ilagay ang banal na bagay sa nakikitang lugar ng inyong pamilya at basahin at gawin. Turuan ang inyong mga anak sapagkat kung hindi kayo magbibigay ng halimbawa, sila ay malalayo sa Diyos. Ipakita at magdasal sa Diyos upang isilang sa inyong puso at ang inyong puso ay magiging masaya. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 08/96

Julio 25, 1996 "Mahal kong mga anak, Inaanyayahan ko kayo ngayon upang maglaan ng panahon para sa Diyos. Mga anak marami kayong sinasabi tungkol sa Diyos subalit hindi ninyo tinutupad sa inyong buhay. Kaya mga anak kayo ay magbagong buhay at lumapit sa Diyos ng sa gayon ay makita ninyo ang kagandahan ng buhay na ibinigay sa inyo ng Diyos. Mga anak inaanyayahan ko kayong muli na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin upang mabago ang inyong buhay. Bawat isa sa inyo ay magiging mayumi katulad ng isang bata na laging bukas ang pagmamahal ng isang ama. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking kahilingan." 07/96

Hunyo 25, 1996 "Mahal kong mga anak, Nagpapasalamat ako sa aking mga anak sa pagpapakasakit na inialay ninyo ngayon. Tinatawagan ko kayo na buksan ang inyong kalooban at ialay ng buong puso at walang alinlangan. Alam ko mga anak na ang damdamin ninyo ay hindi pa taos puso sa pagmamahal sa Diyos, kaya hinihiling ko sa inyo mga anak na maghandog tayo ng panalangin sa Diyos para tayo ay kanyang tulungan na taimtim sa puso at walang pakundangan. Mahal kong mga anak nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking kahilingan at lalakad kami kasama ka tungo sa kaluwalhatian." 06/96


BackHomeOverviewInfo
Last Modified 03/25/98