Our Lady Of Medjugorje
Messages From 1997 In Tagalog
Enero 25, 1997 "Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang mabago ang inyong kinabukasan. Kayo ang gumagawa ng bagong paraan sa mundo ng walang pananampalataya sa Diyos, Kundi ang inyong sariling lakas kaya hindi kayo kuntento at walang kaligayahan sa puso. Ngayon ang panahon upang magbago mga anak kong munti, Inaanyayahan ko kayong muli upang manalangin. Kung matamo natin ang pagkakaisa tungo sa Diyos, malalasap natin ang kaluwalhatian ng salita ng Diyos at sa ating puso. Ang mga anak kong munti ay aapaw sa kaligayahan. Matatamo natin ang pagmamahal ng Diyos saan man tayo naroon. Binibindisyunan ko kayo at inuulit ko sa inyo na ako ay sumasainyo upang sumaklolo. Nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 01/97
Febrero 25, 1997 "Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo ngayon sa mahalagang paraan upang buksan ang inyong sarili sa Diyos na lumikha sa atin at maging masigasig. Inaanyayahan ko kayo mga anak kong munti upang sa ngayon ay mabatid ang nanganga-ilangan ng panalangin o kamunduhang panganga-ilangan. Sa inyong halimbawa, mga anak kong munti ikaw ang sugo ng Diyos, na siyang hinahanap. Sa pamamagitan nito ay maunawaan na ikaw ay tinatawag upang maging saksi at maging masayang tagapaglaganap ng salita at pag-ibig ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 02/97
Marso 18, 1997 Mirjana's kaarawan at paghihimala - "Mahal kong mga anak! Bilang isang ina ay hihihiling ko na huwag ka nang magpatuloy sa iyong kasalukuyang landas, ang landas na walang pag-ibig sa kapwa at kay Jesus. Sa landas na ito, ay makikita mo lamang ang katigasan at walang laman ang iyong puso, at hindi kapayapaan na siya mong ninanais. Ang tunay na kapayapaan ay makikita lamang sa pagmamahal sa kapwa at kay Jesus. Sa isang puso na ang aking anak ang siyang nananatili at siyang nakakaalam ng kapayapaan at kaligtasan. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 03/18/97
Ang sabi ni Mirjana ang mahal na Birhen ay malungkot habang ibinibigay ang mensahe, kungbaga ay matatag siya binindisyunan niya ang lahat ng naroon at ang lahat ng relihiyosong bagay. Ang mahal na Birhen at si Mirjana ay nagdasal ng Ama Namin at luwalhati sa ama para sa mga hindi sumasampalataya. Paghihimala ay nagtagal ng anim na minuto simula sa ala-una singkuwenta ng hapon. Wala siyang sinabi tungkol sa sekieto.
Marso 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ngayon sa mahalagang paraan ay inaanyayahan ko kayo na dalhin ang krus sa inyong mga kamay at manalangin sa sugat ni Jesus. Hilingin kay Jesus sa pagalingin and iyong sugat, ang sugat na sa inyong buhay ay dahil sa iyong kasalanan ng iyong magulang. Sa paraan lang ito mga mahal kong mga anak ay iyong mauunawaan na ang mundo ay nangangailangan ng taimtim na panampalataya sa Diyos na lumalang. Sa pamamagitan ng paghihirap at pagkamatay ni Jesus ay iyong mauunawaan na sa pamamagitan lamang ng iyong pananalangin, na ikaw ay magiging tuany na apostoles sa pananampalataya, na sa kasimplihan at pagdalanign ang iyong pananalig ay isang biyaya. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag." 03/97
Abril 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang ang inyong buhay ay maging bahagi ng Diyos na lumalang sa atin, dahil ito lamang ang paraan upang ang inyong buhay ay magkaroon ng kahalagahan at ating maunawaan na ang Diyos ay pag-ibig. Isinugo ako ng Diyos sa inyo dahil sa pag-ibig, upang tulungan na maunawaan ninyo na kung walang Diyos ay walang kinabukasan o kaligayahan at, unang una ay walang hanggang kaligtasan. Mga anak kong munti, tinatawagan ko kayo upang iwasan ang kasalanan at tanggapin ang panalangin sa lahat ng sandali, upang maunawaan natin ang kahulugan ng ating buhay. Ibinibigay ng Diyos ang kanyang sarili sa nangangailangan sa kanya. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 04/97
Mayo 25, 1997 "Mahal kong mga anak! Inaanyayahan ko kayo upang sambahin ang Diyos at sa ngalan ng Diyos ay maging sagrado sa ating puso at sa ating buhay. Mga anak kong munti, kung kayo ay sumasampalataya sa Diyos, Siya ay sumasainyo at nagbibigay ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Kaya mga anak kong munti, manalangin tayong lahat at isapuso ang pananampalataya sa ngalan ng Diyos at sa kalangitan mula sa kaibuturan ng ating puso. Siya ay napakalapit sa atin at ginagabayan tayo ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 05/97
Hunyo 25, 1997 "Mahal kong mga anak! Ngayon ako ay sumasainyo sa mahalagang paraan at ibibigay ko sa inyo ang mahal na ina ng kapayapaan. Ipinagdarasal ko kayo at ihahatid tungo sa Diyos, upang sumampalataya ang bawat isa sa atin at makapaghatid ng kapayapaan. Wala kang kapayapaan kung ang puso mo ay walang kapayapaan sa Diyos. Kaya, Mga anak kong munti, manalangin manalangin, manalangin, dahil ang pananalangin ang siyang bumubuo ng kapayapaan. Buksan ang inyong puso at maghandog ng onas sa Diyos upang siya ay maging kaibigan. Kung ang tunay na kaibigan na maka Diyos ay mananatili, walang bagyo na makakasalanta sa atin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 06/97
Julio 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang tumugon sa aking pagtawag sa pagdalangin. Aking ninais, mga mahal kong anak, na ngayong panahon ito ay magkaroon ka ng panahon sa sariling pagdalangin. Ninanais kong maging daan mo ako sa taos pusong pagdalangin. .Sa pamamagitan lamang nito na iyong mauunawaan na ang iyong buhay ay walang kahulugan kung walang pagdalangin. Iyong matutuklasan ang kahalagahan ng iyong buhay kapag natuklasan mo ang Diyos sa pagdalangin. Kaya, mga mahal kong anak buksan ang pintuan ng iyong puso at iyong mauunawaan na ang pagdalangin ay kaligayahan na kung wala ito ay hindi ka mabubuhay. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag." 07/97
Agosto 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ang panginoon ang nagbigay sa akin ngayon ng gantimpala para sa iyo, upang gabayan at akayin sa landas ng kapayapaan. Mahal kong mga anak, ngayon ay hindi mo maunawaan ang kaluglhatian, ngunit balang araw ay matatamo mo ang katutuhanan tungkol sa mensahing ito. Kaya mga anak kong munti, mabuhay ang lahat sa mundo na ipinagkaloob sa atin ngayon at huwag makalimot manalangin, hanggang maging kagalakan sa iyo. Unang una ay tinatawagan ko ang lahat ng taos pusong sumasampalataya sa mahal na birhen upang maging halimbawa sa iba. Tinatawagan ko ang lahat ng pari at mga kapatid kong lalaki at babae upang magdasal ng rosaryo at turuang magrosaryo ang lahat. Mga anak kong munti, ang mahalaga sa akin. Tungkol sa pagrorosaryo buksan ang inyong puso sa akin at kayo ay aking sasaklolohan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 08/97
Septiembre 25, 1997 "Mahal Kong Mga Anak, Ngayon, ay tinatawagan ko kayo upang maunawaan na kung walang pag-ibig ay hindi ninyo mauunawaan na ang Diyos ay siyang maging mahalaga sa ating buhay. Kaya mga anak kung munti, ay tinatawagan ko kayong lahat upang magmahal, hindi sa makamundong pagmamahal kundi sa pagmamahal sa Diyos. Sa pamamagitan nito, ang inyong buhay ay magiging mas maganda at makahulugan. Inyong mauunawaan na ang Diyos ay ibinigay ang kanyang sarili sa malinis na paraan ng pagmamahal. Mga anak kong munti, sanay maunawaan ninyo ang aking salita na aking ibinigay sa inyo buhat sa aking pag-ibig, manalangin, manalangin, manalangin upang inyong matanggap ang iyong kapwa na may pagmamahal at patawarin ang lahat ng mga nakagawa ng kasalanan sa iyo. Ang pagsagot sa pamamagitan ng pananalangin ay bunga ng pagmamahal sa Diyos na lumalang sa atin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 09/97
Oktubre 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Kahit ngayon ako ay nasasaiyo at tingtawagan ko kayong lahat upang magbago sa pamamagitan ng aking mensahe. Mga anak kong munti, ang panalangin ang magiging buhay para sa iyo upang maging halimbawa sa iba. Mga anak kong munti ninanais ko na kayo ang maging tagabaglaganap ng kapayapaan at kaligayahan ng Panginoong Diyos. Ngayon ang mundo ay walang kapayapaan. Kaya mga anak kong munti, manalangin, manalangin, manalangin at ako ay sumasaiyo at binibin disyunan ko kayo ng makainang kapayapaan. Maraming salamat sa iyong pagtugon sa aking pagtawag." 10/97
Nobyiembre 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang maunawaan ang ingong tungkulin bilang isang Kristiano. Mga anak kong munti, ako ay nanguna at aakayin ko kayo tungo sa panahon ng grasya, upang ating isaloob ang tungkuling maka Kristiano. Ang mga banal ay namatay na naging saksi, ako ay Kristiano at ang pag-ibig sa Diyos ay nangunguna sa lahat ng bagay. Mga anak kong munti, ngayon ay muli ko kayong inaanyayahan na magsaya at maging maligaya at matapat na Kristiano at isaloob na tinatawagan kayo ng Diyos sa napakahalagang paraan upang maging masaya at ibahagi ang inyong paniniwala sa mga hindi naniniwala sa Diyos, at sa pamamagitan ng halimbawa ng inyong buhay, ay magkaroon ng pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Samakatuwid, manalangin, manalangin, manalangin upang ang inyong mga puso ay mabuksan at maging makabuluhan ang salita ng Diyos. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 11-25-97
Disyembre 25, 1997 "Mahal kong mga anak, Ngayon ako ay nagagalak sa inyo, at tinatawagan ko kayo sa kabutihan na siya kong ninanais sa bawat isa sa atin na makita at dalhin ang katahimikan sa inyong puso at sabihin; na nais kong ang Diyos and manguna sa inyong buhay. Sa pamamagitan lamang nito, mga anak kong munti na ang bawat isa sa atin ay maging banal. Mga anak kong munti, sabihin ninyo sa lahat, nais ko ang kabutihan at mga anak kong munti, sabihin ninyo sa lahat, nais kong kabutihan ninyo at siya ay tutugon ng may kubutihan at mga anak kong munti, nagbigay ng kanyang buhay at nagligtas sa atin. Kaya, mga anak kong munti, magsaya at inyong ibahagi kay Jesus and inyong kamay kay Jesus siya lamang ang mabuti. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 12/97