Our Lady Of Medjugorje
Messages From 1998 In Tagalog
Enero 25, 1998 "Mahal kong mga anak. Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli upang manalangin. Sa pamamagitan lamang ng pananalangin, Mahal kong mga anak, ang puso ay magbago, upang maging mabuti at mataimtin sa salita ng Diyos. Mga anak kong munti, huwag ipahintulot na akayin kayo ni Satanas at gawin ang kanyang gusto. Tinatawagan ko kayo upang maging responsable matatag at taimtim na manalangin sa Diyos araw araw. Ang banal na misa, mga anak kong munti, ay hindi gawain sa iyo, kundi buhay. Ang mabuhay sa banal na misa araw araw, ay madarama mo ang panganga-ilangan ng kabanalan at ikaw ay mabubuhay sa kabanalan. Ako ay malapit sa iyo at siyang nagtutulak sa Diyos para sa bawat isa sa atin, upang ikaw ay bigyan ng lakas upang baguhin ang inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 01/98
Pebrero 27, 1998 "Mahal kong mga anak, kahit ngayon ako ay sumasainyo at muli ko kayong tinatawagan upang lalong lumapit sa akin sa pamamagitan ng panalangin. Sa mahalagang paraan, ay tinatawagan ko kayo upang magbago sa panahon ng kapayapaan. Mga anak kong munti magmuni-muni at mabuhay sa pamamagitan ng munting sakripisyo, para sa paghihirap at pagkamatay ni Jesus para sa bawat isa sa atin. Kung kayo ay lalapit sa Diyos kayo ay patatawarin at mamahalin tulad ng ginawa niya sa bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng panalangin at pagbabago kayo ay magiging mas matatag sa pananampalataya at pagmamahal tungo sa simbahan at sa mga taong nakapalibot sa iyo. Mahal ko kayo at ginagabayan ko kayo. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 02/98
Mensahe noong Marso 25, 1998 "Mga mahal kong anak! Sa araw na ito ay tinatawagan ko kayo para magayuno at talikdan ang lahat ng kasamaan. Mga munti kong anak, talikuran ninyo ang mga nakakabalakid sa pagiging malapit kay Hesus. Sa natatangingparaan ay tinatawagan ko kayo: Dumalangin, sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagdarasal ay inyong malalabanan ang makasariling hilig at matatagpuan ang naisin ng Diyos kahit sa maliit na bagay. Sa pamamagitan ng inyong pang-araw-araw na buhay, mga munti kong anak, kayo ay magiging halimbawa at saksi kung kayo ay nabubuhay para kay Hesus, o laban sa kanya at sa kanyang naisin. Mga munti kong anak, ninanais ko kayo na maging tagapaglaganap ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng pag-ibig, munti kong mga anak, na masasabing ikaw ay akin. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 03/98
Marso 18, 1998 Mirjana taunang mensahe Ang pinagpapakitaan ng Mahal na Birhen,Mirjana Dragicevic-Soldo ay nagkaroon ng taunang pagpapakita noong Marso 18,1998. Ang Mahal na Birhen ay tumigil na sa pagpapakita sa kanya noong Disyembre 25,1982. Noong panahong iyon ang Mahal na Birhen,pagkatapos ipagtapat sa kanyang kaarawan, Marso 18 hanggang siya ay nabubuhay. At ngayon Marso 18,1998 ay nagpakita ang Mahal na Birhen sa kanya. Ang pagpapakta ay tumagal ng apat hanggang limang minuto. Ang Mahal na Birhen ay nakipag-usap tungkol sa sekreto, binindisyunan ang lahat ng mga naroroon, at ibinigay ang sumusunod na mensahe.
"Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayong lahat upang aking maging ilaw, upang maliwanagan ang mga naliligaw ng landas, upag punuin ang kanilang puso ng kapayapaan ng aking anak. Salamat sa inyong patugon sa aking pagtawag."
April 25, 1998 "Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo, sa pamamagitan ng panalangin, upang buksan ang inyong sarili sa Diyos na parang bulaklak na bumubukang kusa sa sinag ng araw. Mga anak kong munti, huwag kayong matakot. Ako ay sumasainyo at makipag-ugnayan sa Diyos ang bawat isa sa atin upang ang puso ay makatanggap ng pagbabago. Sa ganitong paraan, mga anak kong munti, sanay maunawaan ang kahalagahan ng biyaya sa panahong ito upang kayo ay mapalapit sa Diyos. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 04/98
Mayo 25, 1998 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo, sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsasakripisyo, upang ihanda ang ating sarili sa padating ng Espiritu Santo. Mga anak kong munti, ngayong ang panahon ng grasya, at muli ko kayong tinatawagan para sa Diyos, na lumalang sa atin. Hayaan mo na siya ang mag-iba at magpabago sa iyo. Sana ang iyong puso ay maging handa sa pakikinig, at mabuhay, lahat ay naayon sa nais ng Espiritu Santo para sa bawa't katotohanan at kaligtasan tungo sa walang hanggang buhay. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 05/98
Junio 25, 1998 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay nagpapasalamat ako sa inyong pagtugon sa aking mensahe. Binibindisyunan ko kayo ng aking makainang pagmamahal at kayong lahat ay aking dadalhin sa aking anak na si Hesus. Maraming salamat sa inyong patugon sa aking pagtawag." 06/98
July 25, 1998 "Mahal kong mga anak, ngayon mga anak kong munti. Ay inaanyayahan ko kayo sa pamamagitan ng pananalangin para sa Diyos, upang sa pamamagitan ng panana landgin para sa Diyos, upang sa pamamagitan ng sariling karanasan sa pagdarasal ay matuklasan ninyo ang kagandahan ng nilalang ng ating panginoone diyos. Hindi mo masabi o mapatunayn ang tungkol sa pana nalangin, kung hindi ka mag da rasal, kaya mga anak kong munti, manatiling isapuso si jesus, upang mabago ka niya at mapanatili ang kanyang pagmamahal. Ngayon, mga anak dong munti ay panahon ng biyaya para sa inyong. Gamitin sa mabuting panraan para sa inyong sariling pagababago, kung kayo ay mali diyos, lahat ay nasasainiyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 07/98
Agosto 25, 1998 "Mahal kong mga anak, Ngayon ay inaanyayahan ko kayo upang manatiling malapit sa akin sa pamamagitan ng pananalangin. Mga anak kong munti, ako ang inyong ina, at minamahal ko kayo at sanay manatili ang bawat isa sa inyo ay ligtas at maging sa kalangitan. Kaya mga anak kong munti manalangin, manalangin, manalangin hanggang ang inyong buhay ay manatiling nananalangin. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 08/98
Septiembre 25, 1998 "Malahl kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang maging saksi sa pananampalataya sa ating ama. Mga anak kong munti, hinahanap mo ang tanda at mensahe na hindi mo nakikita sa bawat pagsikat ng araw tuwing umaga, tinatawagan ka ng Diyos upang mabago at mapabalik ang daan tungo sa katotohanan at pananampalataya. Marami kong sinasabi, mga anak kong munti, subalit gumagawa kayong kaunting pagbabago. Kayo mga anak munti, baguhin at magsimulang manatili sa aking mensahe, hindi lamang sa inyong salita kundi sa inyong buhay. Sa ganitong paraan, mga anak kong munti, magkaroon ka ng lakas at tunay na bagbabago sa inyong puso. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 09/98
Oktubre 25, 1998 "Mahal kong mga anak, ngayon ay tinatawagan ko kayo upang lalong lumapit sa aking banal na puso. Tinatawagan ko kayo upang ulitin sa inyong buong pamilya ang pagiging malapit sa akin tulad ng unang araw nang ako ay tumawag sa inyo upang magsakripisyo, magdasal at magbago. Mga anak kong munti, tinanggap ninyo ang aking mensahe ng bukas sa puso, kahit na hindi ninyo alam kung ano ang pagdalangin. Ngayon, ako ay tumatawag sa inyo upang buksan ang inyong sarili ng lubusan sa akin upang kayo ay magbago at magtungo sa puso ng aking anak na si Hesus, upang inyong madama ang kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan lang ng paraang ito, mga anak kong munti ay inyong matatagpuan ang tunay na kapayapaan, ang kapayapaan na ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa inyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa akin pagtawag." 10/98
Nobiembre 25, 1998 "Mahal kong mga anak; Ngayon ay tinatawagan ko kayo upang ihanda ang inyong sarili sa pagdating ni Hesus. Sa mahalagang paraan, ay ihanda ang inyong puso. Ang sagradong kumpisal ay nangunguna upang magbago tayo kaya, mahal kong mga anak magdesisyon para sa kabanalan. Ang inyong pagbabago at mga desisyon para sa kabanalan ay gawin ngayon at huwag ng ipagpabukas pa. Mga anak kong munti, tinatawagan ko kayong lahat tungo sa kaligtasan at ako ay nangangako upang ipakita ang daan tungo sa kalangitan. Kaya, mga anak kong munti suma akin kayo at magdesisyon para sa kabanalan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 11/98