Our Lady Of Medjugorje

Messages From 1999 In Tagalog

Mensahe mla sa mahal na Birhen Enero 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Inaaanyayahan ko kayong muli upang manalangin. Wala kayong dahilan upang lalong gumawa dahil ang kalikasan ay nananatiling mahimbing sa pagkakatulog. Buksan ninyo ang inyong sarili sa pananalangin. Sariwain muli ang pagdarasal sa inyong pamilya. Ilagay ang Banal na Kasulatan sa isang lugar na laging makikita ng buong pamilya, basahin ito, pag-isipan at pag-aralan kung paano magmahal ang Diyos sa lahat ng tao. Ang kanyang pagmamahal ay kusang makikita sa kasalukuyan dahil ako ay kanyang isinugo upang tawagin kayo sa daan ng kaligtasan. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 01/99

Mensahe ngayong Pebrero 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Kahit ngayon ako ay sumasainyo sa mabuting paraan ng pagmumunimuni at buhayin si Jesus sa ating puso. Mga anak kong munti buksan ang inyong puso at ipagkaloob ang lahat sa atin at pati ang sa kanila: kaligayahan at kalungkutan ng bawat isa, kahit na ang pinakamaliit na hapdi ay maialay kay Jesus; sa pamamagitan ng walang katumbas na pagmamahal, magniningas at magbabago ang inyong kalungkutan at magiging kaligayahan sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Kaya, ngayon ay tinatawagan ko kayo sa mahalagang paraan, mga anak kong munti, para buksan ang inyong puso sa pananalangin, upang sa pamamagitan ng pananalangin ay maging kaibigan ka ni Jesus. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 02/99

Mensahe ngayong Marso 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Tinatawagan ko kayo upang isapuso ang pagdarasal. Sa tanging paraan mga munti kong anak, ako ay tumatawag na manalangin kayo para sa pagabago ng mga makasalanan, para sa mga dumuduro sa aking puso at sa puso ng aking anak na si Hesus ng ispada ng pagkamuhi at araw-araw na pagsasalita ng laban sa kabutihan o katotohanan. Manalangin tayo, mga munti kong anak, para sa mga walang pagnanais na makilala ang pag-ibig ng Diyos, kahit na sila ay nasa simbahan. Ating ipagdasal sa sila ay magbago, para manumbalik ang pag-ibig sa simbahan. Sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at pagdarasal, mga munti kong anak, ay mabubuhay kayo sa panahon ito na ibinigay sa inyo para magbago. Unahin ang Diyos, at ang mabubuhay na si Hesus ay inyong magiging kabigan. Marami salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 03/99


Error - Missing File


Mayo 25, 1999 "Minamahal kong mga anak, Muli ko kayong tinatawagan upang ipagpatuloy at tunay na ipadama ang paniniwala sa Poong Maykapal. Alam kong kayo'y dumadalangin nang katahimikan sa ibat-ibang paraan, subalit hindi taimtim ninyong ibinibigay ang inyong puso sa kanya upang, ipadama ang tunay niyang pagmamahal. Kaya't, ako ay sumasainyo upang gabayan kayo at ilapit sa kanyang mapagmahal na puso. Kung tunay ninyong mahal ang Diyos higit sa lahat ng bagay, magaan sa inyo ang pagdarasal at maipapadama ang pagmamahal ninyo sa kanya. Salamat sa muli ninyong pagtugon sa aking panawagan." 05/99


Error - Missing File


Error - Missing File


Mensahe ngayong Agosto 25, 1999 "Mahal kong mga anak, Kahit ngayon ay tinatawagan ko kayo upang lumuwalhati sa Diyos, na lumalang sa mga kulay ng kalikasan. Siya ay nakikipag-usap sa iyo gayundin kahit sa pinakamaliit na bulaklak tungkol sa kagandahan at katindihan ng pag-ibig na siyang naglalang sa iyo. Mga anak kong munti ang pagdalangin ay magbuhat sana sa inyong mga puso katulad ng malinaw na tubig sa tagsibol. Nawa'y ang trigo sa bukid ay makipag-usap sa iyo tungkol sa habag ng Paginoon sa bawa't nilalang. Dahil dito, magpanibagong simula sa pagdalangin sa lahat ng bagay na ibinigay sa iyo. Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 08/99

Mensahe ngayong Setyembre 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Ngayon ay tinatawagan ko kayong muli upang maging tagapaglaganap ng kapayapaan. Sa natatanging paraan, ngayong isinasaad na ang Diyos ay nasa malayo, Siya ay totoong hindi naging malapit sa iyo. Tinatawagan ko kayo na manalangin muli ang inyong pamilya sa pamamagitan ng pagbasa ng banal na kasulatan at makaranas ng kasiyahan sa pagtanggap sa Diyos na siyang nagmamahal ng walang katapusan sa lahat ng kanyang nilalang. Salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 09/99

Mensahe ngayong Oktubre 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Huwag kayong: Ngayon ay panahon ng biyaya; kaya magdasal, magdasal, magdasal! Maraming salamat sa inyong pagtugon sa aking pagtawag." 10/99

Mensahe ngayong Nobyembre 25, 1999 "Mahal kong mga anak! Ngayon man ay tinatawagan ko kayo upang manalangin. Sa panahon ngayon ng biyaya, nawa'y ang krus ay maging tanda sa inyo ng pag-ibig at pagkakaisa na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan. Dahil dito, mga Munti kong Anak, magdasal lalung-lalo na sa panahon ngayon para ang munting Hesus, ang lumalang ng kapayapaan, ay isilang sa inyong mga puso. Sa pamamagitan lamang ng panalangin na ikaw ay magiging apostoles ng kapayapaan sa mundong ito na walang katahimikan. Dahil dito, manalangin, hanggang ang panalangin ay maging ligaya para sa iyo. Maraming salamat sa unyong pagtugin sa aking pagtawag." 11/99

Mensahe ngayong December 25, 1999 "Mahal Kong Mga Anak! Ngayon ay panahon ng biyaya. Munting mga anak, Ngayon sa natatanging paraan kasama ni Hesus, na aking niyayakap sa pagkakahawak sa kanya, ay ibibigay ko sa inyo ang maaring mangyari sa pagdesisyon para sa kapayapaan. Sa pamamagitan ng inyong pagsangayon sa kapayapaan at pagsang-ayon sa Diyos, ay maaring mangyari na ang kapayapaan ay mabuksan. Sa pamamagitan lamang nito, mga munti kong anak, ang siglong ito ay magiging panahon ng kapayapaan at kabutihan ng mga nilikha. Samakatuwid, ay ilagay mo ang bagong silang na si Hesus na siyang pangunahin sa inyong buhay at kayo ay sasamahan niya sa daan ng kaligtasan. Maraming salamat sa inyong pagtungon sa aking pagtawag." 12/99


BackHomeOverviewInfo
Last Modified 01/03/2000